My Lovely Followers

Monday, November 26, 2007

sa likod ng mga tawa

Sa likod ng mga tawa,
Ay isang malungkot na mundo na pilit itinatago.
Mundo na may lungkot na matagal nang ikinimkim
Isang mundo na pilit kong nilalayo sa akin.


Sa aking buhay
Nakita ko na ang mga hindi ko dapat Makita
Ang mga sakit at hirap
Pati ang luha at pagpapasakit ng aking buong pamilya.


Itinatago ko ang lungkot
Dahil ayoko na silang masaktan pa
Sapat na ang aking mga nakita
Hanggang doon na lamang iyon
Tawanan at kasiyahan nalang ang kaya ko ibigay
Para gumaan naman ang kanilang buhay
Hindi man ito isang magarang regalo
Ito ang alam ko na mas makabubuti sa aking mga minamahal

0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...